Lunod

Minsan napapaisip ka na lang sa isang tabi,

At maaalala mong bigla kung sa’n nagsimula;

Kung kelan matatamis lang ang namutawi,

Ang mga salitang sa mga labi niyo nagmula…

Bigla ring papasok sa iyong isip ang panahon,

Mga panahong hinding-hindi malilimot;

Nagbabakasakaling makita ang inyong kahon,

Ng mga alaalang mga ngiti lamang ang sangkot…

Maya-maya pa’y maluha-luha na ang iyong paligid,

Na parang hindi na gumagalaw ang bawat segundo;

Ilang saglit pa’y umuulan na’t hindi mo na nabatid,

Nasa’n ang kahapong nagmula ang inyong mundo…

Nariyan lang at nakikinig sayo’ng puso ang kalangitan,

Wag kang mag-alala, di s’ya isang alaalang sayo’y mang-iiwan…

Bookmark and Share

Leave a Reply